Una sa Balita

Joshua nangangayayat sa problema

0 513

Maraming mga fan ni Joshua Garcia ang nakakapansin sa kanyang pagpayat. Tanong tuloy ng marami – nagpapapayat ba siya para sa role, dahil sa stress sa trabaho, o may pinagdadaanan siya?

Wala naman daw dapat ikabahala ang mga supporter ng young actor dahil choice niyang magbawas ng timbang.

“Nagpapayat kasi siyempre kumbaga nagkaka-edad edad na rin. Siyempre kailangan na rin na mag-exercise. Hindi na puwede ‘yung puro laro-laro lang. So ayun, nag-exercise lang ako.”

Ayan ha, mabuti nang malinaw. Wala siyang pinagdadaanan na problema. Sadyang gusto niya lang magkaroon ng healthy lifestyle. Pero dahil nag-uumpisa na rin siya mag-workout, naiisip niya na rin bang magpa-macho?

“Ito na ‘yun. Tapos buhat na lang. Muscles na lang,” maikling sagot ng binata. Mayroon din daw siyang project na pinaghahandaan, ngunit sa ngayon ay hindi pa puwedeng sabihin.

Naku, baka change image na ang peg ng “The Killer Bride” star? Okay lang din naman para sa kanyang growth bilang artista, lalo na’t marami ang humahanga sa kanya bilang aktor.

Sa mga nagtatanong naman sa nabinbin nilang pelikula ni Julia Barretto na “Block Z”, go na go pa rin daw ang pelikula at nagpapasalamat pa rin siya sa mainit na suporta na ibinibigay ng kanilang fans.

“Grateful kami siyempre dahil pagkatapos ng lahat ng lumabas na issues eh nandiyan pa rin sila na nakakapit sa’min.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy