Una sa Balita

Joshua malalaos dahil sa kabaliwan kay Julia

By
0 4,243

Ayon sa naging guest namin sa aming DZMM teleradyo show na Chismax last Sunday, si Joshua Garcia nga raw ang magiging biggest star sa showbiz this 2018.

Ayon sa tarot card reader at feng shui expert na si Willy Go, lahat umano ng senyales ­under Joshua’s zodiac sign and elements (Ox born siya – Oct. 7, 1997), ay nag-complement mula sa papaalis na Year of the Rooster hanggang sa papasok ngang Year of the Dog (beginning Feb. 16).

Taglay umano ni Joshua ang maganda at positibong aura to make it bigger this year kum­para last year. ‘Yun nga lang, he needs to guard his emotions.

“He is very emotional lalo na sa mga desisyon sa pag-ibig. Kapag nagpatalo siya rito, mag-iiba ang movement at posibleng mawala sa kanya ang mga magagandang vibes,” sey pa ng feng shui expert.

Kahit daw si Julia Barretto na siyang napapa­balitang girlfriend nito sa ngayon ay magbu-bloom din ang showbiz career kung hindi rin daw ito basta-basta magpapadala sa emosyon.

O hayan ha, nakadepende pala sa mga emosyon nila ang magiging kapalaran nila sa showbiz this 2018. Hahaha!

Dahil kay Martin, Pops nawalan ng career

Bakit ba hindi man lang naranasan ni Martin Nievera na maging artista sa tele­serye o kahit sa comedy shows?

“Marunong naman akong mag-emote,” sey ng Concert King na aba­lang-abala ngayon sa promo ng pre-Valentine show nilang #paMore.

Ang mga movie na nagawa ni Martin ay nu’ng kapanahunan pa nila ng ex-wife niyang si Pop Fernandez in the 90’s, at wala nga raw siyang nagawa man lang sa TV, drama guesting man o comedy show.

“In fact, puwede nga akong sisihin, as in put the blame on me, about what happened sa acting career ni Pops. Ako ang humila sa kanya para mawalan ng mo­vies,” sey pa nito na ewan kung nagpapatawa pa rin o seryoso.

Anyway, pinaka-senior man sa grupo nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid at Erik Santos, aminado ang mga ito na si Martin ang magiging major source ng fun, laughter at mga anik-anik na chicka come concert night on February 10 sa SM MOA Arena.