Una sa Balita

Joshua, Julia super harutan sa harap ni Kris

By
0 1,894

Nilabas na ng Star Cinema sa kanilang official YouTube account ang official trailer ng I Love You, Hater na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto, at Kris Aquino.

Siyempre, masayang-masaya at kilig-kiligan ang JoshLia fans dahil sa trailer ng nasabing pelikula (sabi official trailer ‘yon, pero maiiksi lang, kaya ang iba, nag-e-expect na may mas mahabang version pa na lalabas), huh!

Panay na naman ang kulitan nina Joshua at Julia sa trailer ng pelikula nila at nagpanggap pa na bading ang una at nakikipag-agawan sa assistant position sa co-star nilang si Kris.

Of course, ang JoshLia ang mas maraming eksena sa trailer ng I Love You, Hater, pero obvious naman na big role rin si Kris sa pelikulang ‘yon.

In fairness pa rin naman, sa caption ng Star Cinema sa trailer na ‘yon ng I Love You, Hater ay nakalagay naman na, “Kris Aquino and Joshua Garcia and Julia Barretto, bring to life a story of love, honesty, and friendship in ‘I Love You, Hater’. Directed by Giselle Andres, it opens in cinemas July 11!”

At least, may importansiya pa rin naman kay Kris, ‘noh?!

———–

Kiko hindi inagrabyado sa Walwal

Marami nga pala ang nagtaka kung bakit biglang naging July na ang playdate ng pelikula ng JoshLia love team. Noong una kasi, napabalitang June sila isasalang.

Pero mukhang abala rin kasi ang Star Cinema sa pelikulang Walwal na ang three sa four male leads ay ABS-CBN stars, sina Elmo Magalona, Donny Pangilinan at Jerome Ponce.

Hmph! Marahil ay magtataka kayo kung paanong busy ang Star Cinema sa pelikulang Walwal samantalang alam naman ng lahat na ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang producers ng pelikulang ito, huh!

Pero heto na nga ang kuwento. Hindi na lang daw solo ang Regal Entertainment sa Joey Javier Reyes movie na ito dahil may stake na rin dito ang film outfit ng ABS-CBN.

Actually, pati sa promotions, ang Dos na nga raw ang may hawak dahil pati sa presscons ay sila na rin ang mag-iimbita.

Pero it doesn’t mean naman daw na hindi na kikilos ang mag-inang Mother Lily at Roselle dahil may ibang mall shows na sila pa rin naman ang mamamahala.

Anyway, in fairness naman, kahit ang Star Cinema na ang namamahala sa promotions ng Walwal, maganda pa rin naman ang billing ng GMA 7 talent na si Kiko Estrada dahil second ang pangalan niya at nauna pa siya kina Donny at Jerome, ‘noh?!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy