Una sa Balita

Joshua, Julia nag-iwasan Coco, Yorme magkasamang sinalubong ang Year of the Rat

0 404

Wow, Dondon, kaliwa’t kanan ang mga party, celebration noong Friday evening dahil Chinese New Year nga!

Sa Plaza San Lorenzo Luis, Binondo, Manila nga ay ginanap ang “Street Party 2020” at pinangunahan ‘yon ni Coco Martin at ni Manila Mayor Isko Moreno.

Join din doon ang cast ng “Block Z” sa pangunguna nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Napansin ko lang sa isang picture na kuha sa backstage na hindi magkatabi ang JoshLia.

Nasa gitna nila ang mga co-star nilang sina McCoy de Leon at Ina Raymundo. So, wala na talaga ang sweetness sa ex-sweethearts?

O, iwas lang si Joshua para walang pagselosan ang sinasabing girlfriend niya ngayon na si Janella Salvador? What do you think, Dondon?

Anyway, ang ABS-CBN ang ka-tie up sa event na ‘yon sa Binondo, kaya mostly, Kapamilya stars and singers ang um-attend doon!

MJ Lastimosa takaw-pansin ang alindog

Sa birthday party ni Dondon Monteverde at Chinese New Year’s eve party ni Mother Lily Monteverde noong isang araw sa 38 Valencia Events Place ay nakita ko ang former beauty queen turned actress na si MJ Lastimosa.

Kung hindi pa lumapit at bumati sa akin si MJ ay hindi ko pa siya mamumukhaan.

“Parang mas bumata ka,” sey ko kay MJ.

“Nagpagupit kasi ako ng buhok,” sey ni MJ na “head turner” sa nasabing event dahil sa sobrang kaseksihan, huh!

Sikat na sports personality split na sa dyowa

When kaya magiging open sa public regarding his marital status ang celebrity na ito na sikat sa sports world? May mga tsika kasi na sa mga kaibigan ay open na si sports celebrity na hiwalay na sila ng kanyang wife, pero in public, tahimik lang siya tungkol doon.

At ang nakakalito pa, paminsan-minsan ay nagpo-post si sports celebrity ng mga picture na kasama niya si wifey at ang mga anak nila.

Naku, Year of the Rat na, puwede na kaya umamin si sports celebrity?

Well…

Pauleen pang-dalaga ulit ang kaseksihan

Nasa “Eat Bulaga” ako kahapon dahil sinamahan ko nga si Pops Fernandez na naglaro sa “Bawal Judgmental” dahil nag-promote siya ng “Two-gether Again” concert nila ni Martin Nievera.

Kasama akong sumalang ni Pops bilang support sa kanya sa segment na ‘yon.

Anyway, bilib ako sa mga host ng “Eat Bulaga” dahil ang aaga nilang dumating sa studio. Ang mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, kahit sa bandang south pa nakatira, ang aga rin.

Napansin ko nga pala, Dondon, ang katawan ni Pauleen ngayon, parang balik na sa dati. Parang dalaga pa rin siya at walang anak, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More