Una sa Balita

Joshua at Julia matindi kung maglambingan

By
Joshua Garcia at Julia Barretto
0 24

Sa grand ­media launch ng pelikulang ­Unexpectedly Yours ng Star Cinema, sweet ang paraan ng ­paninita ni Julia Barretto sa megastar na si Sharon Cuneta dahil sa mga pambubuking ­nito sa kanila ni Joshua ­Garcia.

May mga ilang off-cam chika nga ang ­ibinunyag ni Shawie na kanyang nasaksihan sa unguarded ­moments ng dalawa na halos ­hindi na makapagsalita ang ­da­laga ni ­Marjorie Barretto dahil sa mga pambubuking na ito sa kanila.

Pero, halata ­naman na habang ­ikinukuwento ito ni Shawie, ­kilig-kiligan naman ang JoshLia.
Witness ang ­buong press entourage na nasa presscon na ­ginanap sa Dolphy Theater sa ilang moments ng ­ka-sweetan din nila onstage. ­Nandiyan na ­mag-holding hands ­sila, magbulungan, mag-high five, at kung ­anik-anik pa.

Kahit sino naman ay makapagsasabi na love is in the air sa dalawang bagets na ito.

Samantala, si Shawie ay todo halakhak at hagikgik habang itsini­tsika nga niya sa press na sa palagay niya ay ­mag-on na nga ang ­dalawa.

Sabi nga niya habang nakatawa, “Ang alam ko, common ­knowledge ­naman. Alam niyo ­naman na sila, ‘di ba? ­Dyusko naman!

“Alangan naman na makipag-holding hands ka sa hindi mo kaanu-ano? Siyempre, alam nilang boyfriend mo ‘yan.

“Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Ang tawag ko sa kanila ay B1 at B2. Bubba 1 at Bubba 2. Kasi ‘yan ang tawagan nila Bubba.”

Sigawan talaga ang mga fans na nasa loob ng venue na enjoy na enjoy sa tsikang ito ng leading lady ni Robin Padilla.

Anyway, ­pagkatapos nito ay isang love advice ­naman ang ibinahagi niya sa dalawa kung paano i-handle ito, kung paano i-enjoy ito base na rin sa kanyang personal experience habang ang ex-dyowa niyang si Robin Padilla ay pangit-ngiti lamang.