Joshua at Jerome magdyowa?

‘Akin si Joshua!’ – Julia

By

Ang cute! At kaki­lig talaga! Ganiyan ang reaksiyon ng followers ni Jerome Ponce sa nagkalat na video nila ni Joshua Garcia, na kung saan, instead na nag-aaway sila, na siya namang roles nila sa The Good Son, aba, nagmukhang nag­lalambingan, o nagliligawan silang dalawa.

Bongga, dahil lalake sa lala­ke ang drama sa TV.

Love team na ala-Tom Rodriguez at Dennis Trillo noon, ha!

“Kontrabida ang role na binigay sa akin, pero bakit ganito nangyare? Thank you sa nag-edit!” reaksiyon ni Jerome sa video na na-post sa Twitter na parang naglalambingan nga sila ni Joshua Garcia, na kuha sa teleseryeng The Good Son ng ABS CBN, na nilagyan pa ng background music, kaya mas nakakakilig talaga.

Meaning, sa halip na gawing magkaaway sina Joshua at Jerome, ginawa silang magka-love team.

JoshRome nga ang tawag sa kanila ng followers nila. Na ang role nilang mortal na magkaaway, naging magkarelasyon na man to man.

At ang fans nila, sobrang kilig na kilig naman. Akala mo girl talaga ang isa kina Jos­hua at Jerome, ha!

“Hahahahaha! Lupet ng rolesss!” sabi ni Jerome sa mga komento ng Twitter follo­wers niya.

Pero, ang mas kaloka, o kakilig ay ang big­lang pagri-react ng isang batang aktres na malapit kay Joshua, si Julia Barretto.


“Akin yan!” say ni Julia, na inangkin na ngang talaga si Joshua Garcia, na balitang boyfriend na niya ngayon, at ka-love team din sa latest movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, ang Unexpectedly Yours.

Siyempre, laugh to death na lang si Jerome. At wala pa namang reaksiyon si Joshua sa video na `yon, o sa love team nila ni Jerome.

Ang cute, di ba?

Jona inspirasyon ang namayapang ama

Ramdam ni Jona na patuloy siyang ginagabayan ng nama­yapa niyang ama.

Sa interview nga sa kanya, sinasabi ni Jona na palagi niyang isinasaksak sa isip niya ang mga mensahe ng tatay niya bago pa ito tulu­yang nawala sa mundo, ilang linggo na ang nakararaan.

“Lagi niyang sinasabi sa akin na kapag ang feeling ko ang hirap ng sitwasyon ko, lagi lang akong tumawag sa Diyos. Proud na proud siya sa akin,” maluha-luhang say ni Jona.

Ang tatay nga niya ang inspirasyon niya sa pagkanta, lalo na sa nalalapit na full orchestra concert niya, ang Prima Jona, kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, na magaganap sa Theatre at Solaire sa Nobyembre 18 (Sabado).

Makakasama ni Jona ang magaling na grupo ng musicians sa pangunguna ni Maestro Gerard Salonga para sa isang natatanging show na magbibida sa kakaiba, soulful at powerful voice ng dalaga at magpapatunay ng kanyang kakaibang talento sa pag-awit.

Kasama ng Birit Queen ang isa sa kanyang mga idolo, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, bilang special guest.

Ang major concert ni Jona ang bubuo sa kanyang hindi mabilang na tagumpay ngayong taon.

Nagsi­mula ito sa paglunsad niya ng self-titled album mula sa Star Music noong Pebrero at nasundan naman ng sold-out Birit Queens concert sa MOA Arena at world tour sa Dubai at USA.

Tatlo sa kanyang mga kanta ay naging bahagi ng kauna-unahang BillboardPH Top 20 at kasama rito ang Maghihintay Ako, Pusong Ligaw, at You.

Big hits din sa YouTube ang mga nasabing awitin. Meron nang 17 million views ang Pusong Ligaw video ni Jona, 8 million views ang Maghihintay Ako at 7 million views naman ang You lyric video.

Nasungkit din ni Jona ngayong taon ang Song Of The Year award para sa Maghihintay Ako mula sa MOR Pinoy Music Awards noong Agosto at siya ay itinanghal bilang Best Female Recording Artist sa Alta Media Icon Awards noon lamang Oct. 6.

Kinilala rin siya bilang Most Influential Perfor­mer kasama ang mga Birit Queens na sina Morissette, Klarisse de Guzman at Angeline Quinto sa 7th EdukCircle Awards.

Para sa tiket, tawag na sa Ticket World sa 891-9999 o bisitahin ang ticketworld.com.ph.

SHARE