Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Joshua gigil sa balakang ni Janella

0 588

Matapos umamin ni Joshua Garcia na ka-textmate at katawagan na niya si Ivana Alawi sa benefit interactive show na “Truth or Dare with Joshua,” na ginawa para sa mga biktima ng bagyong Odette, marami na ang nag-aabang kung ano na ang mga susunod na ganap sa dalawa.

Pero, sa naturang chikahan, inusisa rin nina Alora, Darla si Joshua kung anong parte ng katawan ng babae ang unang napapansin nito. Sagot ng aktor ay balakang.

Inurirat ng mga host si Joshua kung sinong Kapamilya actress ang may pinakamagandang balakang.

Talagang na-hot seat si Joshua at hirap na hirap sumagot at pilit umiwas. Sa huli, napaamin din si Joshua at binanggit niya si Janelle Salvador.

Anyway, parang call center agent din ang drama ni Joshua dahil bukod kay Ivana, tinawagan din niya sina Daniel Padilla, Janella, Charlie Dizon.

Si Joshua ang pambungad na guest ng “Truth or Dare,” ang pangalawang campaign ng ABS-CBN sa proyektong “Isang Daan sa Pagtutulungan” para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Pagkatapos ni Joshua, mapapanood din sa mga susunod na araw sina Luis Manzano, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, BGYO, at marami pang iba. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.