Una sa Balita

Joshua binawalang landiin nang husto si Julia

By
0 478

Walang planong tu­migil si Joshua Garcia sa pagi­ging PDA (public display of affection) sa reel-real loveteam niyang si Julia Barretto.

Sa presscon kahapon para sa lalabas nilang teleserye sa Kapa­milya network ang ‘Ngayon at Kailanman’, sinabi ni Joshua na napagsabihan na siya ng Star Magic na bawas-bawasan ang pag­lalambing kay Julia sa publiko at sa social media.

Aminadong nahihirapan si Joshua na pigilan ang nararamdaman para kay Julia dahil natural na lumalabas ang pagmamahal at affection nito kay Julia.

Abante Hiring – IT dep

Ayaw pigilan ni Joshua ang sarili sa pag­lalambing kay Julia dahil kusa na lang itong lu­malabas.

Hindi naman itinatanggi ni Julia na naiilang din siya sa harap ng ibang tao lalo na sa mga kasamahan nila sa serye na sina Ina Raymundo at Iza Calzado.

Pero hindi nga mapipi­gilan ni Julia si Joshua dahil natural na raw sa kasintahan ang pagiging malambing nito.

Pero ibinuko ni Joshua na mas malambing si Julia kapag kaharap ang kanyang pamilya at siya naman ang naiilang. Hindi naman masama sa pani­ngin ng marami ang wagas na lambingan ng dalawa dahil mas marami ang na­tutuwa.