Una sa Balita

Joshua baliw kay Julia

0 493

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHumirit na naman ng kanyang nag-uumpaw na pagmamahal para kay Julia Barretto si Joshua Garcia. Naka-post sa Instagram ni Joshua ang panggigigil nito kay Julia.

“I am madly in love with you, darling…” sabi ni Joshua patungkol nga kay Julia.

Anyways, natupad ang pangarap ni Julia na magkaroon ng theme ang kanyang birthday sa garden ng bahay nila. Ipinasilip ni Julia ang magical set-up ng party na mismong ang ina niya na si Marjorie Barretto ang nag-conceptualized.

Pero ‘yun nga lang nabahiran ng lungkot ang masayang pagtitipon sa pagyao ng yaya ng mga Barretto siblings. Naka-post rin sa IG wall ni Marjorie ang larawan ng matandang si Naning na kanilang yaya.

Sa caption, sinabi nitong mula pagkabata hanggang sa magkaedad na sila ay ang nasabing yaya nila ang nag-aruga sa kanilang lahat. Ibinigay nito ang buhay sa kanila. Hindi ito nag-asawa at nagkaanak.

Maja, Rambo todo lambingan sa Amanpulo

Bumabawi ngayon sa ilang taong pagiging single si Maja Salvador. Madalas niyang kasama sa halos lahat ng mga importanteng kaganapan sa kanyang buhay ang ex-boyfriend, at boyfriend na ulit niya ngayon na si Rambo Nuñez.

Kasama ni Maja sa island getaway sa Amanpulo Island si Rambo. Binanggit ni Maja sa caption si Rambo sa larawang nakaposte sa kanyang Instagram wall. Naka-bikini si Maja sa photo na ‘yon.

“Back in my favorite #wandermaj @rambonunez,” sabi ni Maja.

Nasa dagat din noon si Maja nang magpaha­ging siya sa pagkakaroon muli ng pag-ibig. Sinabi nito sa caption habang nakaupo siya sa tabing dagat suot ang isang purple one-piece bathing suit.

“True love has a habit of coming back daw! Kaya babalik ako dito soon #Wandermaj.”

Pinatotohanan ni Maja sa interview namin sa kanya with Dondon Sermino sa “Abantelliling” na sinabi niya noong hindi siya bumabalik sa kanyang mga ex. Paliwanag ni Maja sa pakikipagbalikan kay Rambo, “You can break rules naman.”

Ai-Ai nakipagkabugan ng alindog kina Jessy, Sam

Nagpaparamdam ng paghahasik ng kanyang kaseksihan ngayong summer ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas. Nakabalandra na naman sa kanyang Instagram wall ang bikini photo niya.

Hindi lang ito simpleng bikini, string bikini ang suot-suot niya na halos kita na ang kaselanan niya.

Actually, isa ito sa mga iba pang angle shot ni Ai-Ai mula sa mga naunang photo posting niya sa sariling IG account. Ang parehong bikini outfit na ito ang ipinangtapat ni Ai-Ai sa skimpy bikini photo ng idol niyang si Jennifer Lopez.

In fairness, walang bakas ng edad niyang 54 years old ang porma at hubog ng katawan ni Ai-Ai.

Puwede pang maki­pagsabayan si Ai-Ai ng paseksihan sa mga bikini bodies na sina Sam Pinto, Lovi Poe, Jessy Mendiola at iba pang mas bata sa kanya ng dalawang dekada.

Kung ang mga aktres na sina Jean Garcia, Eula Valdez na mas hamak na bata sa kanya ay tila namahinga na sa pagpapaseksi o pagpapasilip ng kanilang bikini body, ayaw namang paawat ni Ai-Ai na ipangalandakan ang kanyang sexy figure.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy