Una sa Balita

JoshLia binawalang magsalita

0 301

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNananatiling tahimik pa rin ang kampo nina Julia Barretto at Gerald Anderson tungkol sa tsismis na naglabasan.

Wala ring paramdam kung nalalagay na ba sa alanganin ang relasyon nina Gerald at Bea Alonzo dahil sa isyung ito.

At ang mga larawan, mga sweetness moment nina Julia at Joshua sa kani-kanilang mga Instagram ay hindi pa rin nabubura.

At magkasama pa rin sina Joshua at Julia sa suspense-thriller action film na “Block Z.”

Kaya marami ang nagtatanong, ano ba talaga ang eksena? May mga nagbabawal ba sa kanila na magsalita at linawin kung ano ba talaga ang totoong sitwasyon sa kanila?

Dededmahin ba talaga nila ang mga nagtatanong na mga taga-hanga nila?

Abangan!

Mariel ‘di na puwedeng magpaseksi

Bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng Eid Mubarak ng Islamic community, muling nagsuot ng Abaya si Mariel Padilla.

Naka-post sa Instagram ni Mariel ang lara-wan nila ng anak niyang si Isabella na parehong naka-purple Abaya. Sa caption ay binati ni Mariel ang mga kapatid nilang lalaki at babae sa Islam ng Eid Mubarak.

Si Mariel ay kasal sa converted Muslim na si Robin Padilla.

Madalang lang magsuot ng Abaya si Mariel, ‘yun ay kung may mga importanteng okasyon lang sa kanila ni Robin na tulad nito.

Kung hindi kami nagkakamali, hindi pa converted si Mariel sa pagiging Muslim pero nakikibahagi na siya sa mga kapatid na Muslim.

Nagsusuot pa rin ng mga off shoulder gown si Mariel dahil kasama ito sa kanyang trabaho.

Pero bawal na sa kanya ang magpakita ng maiikling mga damit bilang respeto niya sa kanyang asawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy