Una sa Balita

Josh, Art ng Davao abante agad sa ‘PBB’

Josh, Art ng Davao abante agad sa ‘PBB’ Ni: Athena Yap Sa unang araw ng pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya, walong star dreamers ang unang nabigyan ng oportunidad na makasapasok sa Bahay ni Kuya, pero bago sila makapasok sa bahay, binigyan sila agad ng hamon na para bang minute to win it pero sa loob ng 88 seconds nila dapat matapos ang challenge. Super excited ang mga host na sina Kim Chiu, Melai Contiveros, Robi Domingo, Alex and Toni Gonzaga na nagtatalunan pa sa sobrang saya off cam. Para bang mayroon silang nostalgia feeling ngayon na nasa labas sila ng Bahay ni Kuya at nagho-host. Nami-miss na nga raw nila ang Bahay ni Kuya at siyempre si Kuya mismo. Nakakatuwa rin makita na buhay na buhay ang kulay ng Philippine flag sa mga OOTD’s ng mga PBB host. Ang hot na red formal suit na suot ni Toni Gonzaga ay styled by Stylized Studio, gayundin sa Emerald green formal dress ni Alex. Ang peaceful blue formal dress naman ni Melai ay styled by Ica Villanueva. Kabilang sa first batch ng star dreamers na nais ma­ging housemates ni Kuya sina Seth, 16 years old, ang hopeful son ng Cavite. Ali, 16 years old, ang Astig Makisig ng Las Piñas City. Achilles, 18 years old, Musicutie ng Zamboa­nga City. Rhys, 17 years old, Sportisoy ng Tarlac. Gabby, 18 years old, Bibong Vlogger ng Italy. Art, 17 years old, Baeral Gwapito ng Davao City. Aljon, 17 years old, Shy Charmer ng Pampanga. Josh, 13, Samal Island Davao City, Little Prince ng Davao. Sa naturang batch, ang unang nanalo sa hamon ni kuya para maging official housemate ay ang pambato ng Cavite na si Seth. Sumunod naman ang pambato ng Pampanga, si Aljon. Pangatlong pasok naman si Art, ang pambato ng Davao City sa pamamagitan ng Judges’ choice at ang huling mapalad na nakapasok naman sa bahay ni Kuya sa gabing ito ay si Josh na pambato ng Samal Island Davao City sa pamamagitan ng text votes.

By
0 937
 
Sa unang araw ng pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya, walong star dreamers ang unang nabigyan ng oportunidad na makasapasok sa Bahay ni Kuya, pero bago sila makapasok sa bahay, binigyan sila agad ng hamon na para bang minute to win it pero sa loob ng 88 seconds nila dapat matapos ang challenge.
 
Super excited ang mga host na sina Kim Chiu, Melai Contiveros, Robi Domingo, Alex and Toni Gonzaga na nagtatalunan pa sa sobrang saya off cam. Para bang mayroon silang nostalgia feeling ngayon na nasa labas sila ng Bahay ni Kuya at nagho-host.
 
Nami-miss na nga raw nila ang Bahay ni Kuya at siyempre si Kuya mismo.
 
Nakakatuwa rin makita na buhay na buhay ang kulay ng Philippine flag sa mga OOTD’s ng mga PBB host. Ang hot na red formal suit na suot ni Toni Gonzaga ay styled by Stylized Studio, gayundin sa Emerald green formal dress ni Alex. Ang peaceful blue formal dress naman ni Melai ay styled by Ica Villanueva.
 
Kabilang sa first batch ng star dreamers na nais ma­ging housemates ni Kuya sina Seth, 16 years old, ang hopeful son ng Cavite. Ali, 16 years old, ang Astig Makisig ng Las Piñas City. Achilles, 18 years old, Musicutie ng Zamboa­nga City. Rhys, 17 years old, Sportisoy ng Tarlac. Gabby, 18 years old, Bibong Vlogger ng Italy. Art, 17 years old, Baeral Gwapito ng Davao City. Aljon, 17 years old, Shy Charmer ng Pampanga. Josh, 13, Samal Island Davao City, Little Prince ng Davao.
 
Sa naturang batch, ang unang nanalo sa hamon ni kuya para maging official housemate ay ang pambato ng Cavite na si Seth. Sumunod naman ang pambato ng Pampanga, si Aljon. Pangatlong pasok naman si Art, ang pambato ng Davao City sa pamamagitan ng Judges’ choice at ang huling mapalad na nakapasok naman sa bahay ni Kuya sa gabing ito ay si Josh na pambato ng Samal Island Davao City sa pamamagitan ng text votes.
 
Agad na pumasok ang mga host at iba pang ex-PBB housemates ni kuya pagkatapos ng airing ng PBB. Nag-picture sila at nag get together kahit saglit lamang at unti-unting nag part ways na sila.