Una sa Balita

Josh Adornado super bet si Julie Anne

Umamin sa ‘Abantelliling’

By
0 576

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyUltimate dream ni Josh Adornado ang maka-duet at makasama sa entablado ang kanyang number one crush na si Julie Anne San Jose.

Sa guesting ng isa sa top 5 ng ‘The Clash’ na si Josh nitong nakaraang Martes sa ABANTELLILING, mabilis itong sumagot sa tanong kung sino sa mga local artist ang gusto niyang makasama sa isang production number na ibibigay niya ang best niya para hindi siya mapahiya.

Mabilis na sumagot si Josh na si Julie Anne San Jose, kasabay nang pag-amin niyang matagal na niya itong crush, bago pa man siya napasama sa ‘The Clash’.

Magkasama sa variety show ng Kapuso Network na ‘Studio 7’ sina Julie Anne at Josh, pero hindi pa nabibigyan ng chance na mag-duet ang dalawa.

Tila hindi na gusto pang maghintay ni Josh sa go-signal ng ‘Studio 7’ sa pagkakataong magsama sila ni Julie Anne sa isang duet number, kaya siya na mismo ang nanawagan sa singer-actress at sa GMA 7 na sana tuparin ang kanyang pangarap.

Malaki ang paghanga ni Josh kay Ju­lie Anne dahil sa husay nito sa singing. Nasa tamang placement daw ang boses ni Julie at may control ito sa kanyang mga tono.

Bukod dito gandang-ganda si Josh kay Julie Anne na siyang nakadagdag ng kanyang paghanga sa dalaga.
Well, abangan na lang natin ang mga susunod na mangyayari kung kailan magkakaroon ng katuparan ang dream ng tinaguriang ‘Cute Crooner ng Cagayan De Oro’.

Anyways, mapapanood pa sa ABANTELLILING ang interview namin ni Dondon Sermino kay Josh, kaya tutok lang sa Abante News Online Facebook page at Abante Tonite YouTube channel.

Marami pang mga kuwento ang newbie singer sa kanyang buhay, tulad na lang sa kung paano siya nagsimula bilang si­nger, na siguradong magbibigay sa inyo ng inspirasyon.

Salamat sa GMA Corporate Communications, kay Yani Cardino, Uani  sa pagdala kay Josh sa amin.