Una sa Balita

Joseph, Vin, Derrick, Jak paangasan sa paghuhubad

0 351

May karera ba ng mga abs sa pagitan ng mga Kapamilya at Kapuso star?

Walang tigil sa pagbalandra sa Instagram ang mga Kapamilya hunk na sina Joseph Marco at Vin Abrenica ng kanilang sexy bod.

Hindi na halos nagdadamit ang dalawa sa social media at la-ging gustong ipa-ngalandakan ang mga pandesal sa kanilang mga tiyan.

Ganun din sina Derrick Mo-nasterio at Jak Roberto na ayaw paawat sa paghuhubad sa kani-kanilang mga IG account. Pa-yummy pa si Derrick sa sinasabi niyang “bathroom series” photos na naka-post sa kanyang IG, kung saan iba’t ibang poses ang ginawa nito sa loob ng banyo habang nakabukas ang kanyang polo at binasa ito ng tubig.

Wala ring kasawa-sawa si Jak na parang hindi makukumpleto ang kanyang isang buong linggo kung hindi siya magta-topless sa mga post niya.

Kung paangasan din lang naman ng katawan at abs, nangunguna sa karerang ito ang dalawang Kapa-milya na sina Joseph at Vin na nasa tamang lokasyon ang kanilang mga abs. Namumutok naman talaga ang mga pandesal kanilang mga tyan. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy