Una sa Balita

Joseph, Ritz harutan stage pa lang

0 306

Emosyonal ang Kapamilya actor na si Joseph Marco sa nalalapit na pagtatapos ng serye nilang “Los Bastardos”.

Naka-post sa Instagram account ng aktor ang photo ng finale script ng programa nila, at nakasaad sa caption ang nararamdaman niyang lungkot sa pagwawakas ng kanilang show.

Sabi pa ni Joseph, ito lang ang seryeng dikit na dikit sa kanyang damdamin kaya naman nalulungkot siya sa pagwawakas nito.

Sa kabila nito, masaya si Joseph sa pagkakataong ibinigay sa kanya na maging bahagi ng serye dahil nagkaroon siya ng mga kaibigan.

Nilinaw lang nito na magkaibigan lang sila ni Ritz Azul.

Harutan lang ang namamagitan sa kanilang dalawa ng aktres.

Hindi itinanggi ni Ritz ang pagkakaroon niya ng inspirasyon ngayon, pero nananatiling tahimik lang si Joseph sa estado ng kanyang personal life.

Super Tekla fresh ang aura

Umaasa si Super Tekla na magkikita rin sila ulit nang personal ni Willie Revillame.

Si Willie ang naging tulay para magkaroon ng karera si Tekla sa GMA-7 at sumikat bilang isa sa mga sinusubaybayang komedyante sa entertainment industry.

Hindi itinanggi ni Tekla na wala pang nagaganap na pagkikita sa kanila ni Willie pero hindi nangangahulugang may isyu pa rin sa kanilang dalawa. Ayon kay Tekla, oras lang ang rason ng hindi nila pagkikita.

Hindi magtugma ang kanilang mga schedules lalo ngayong sagaran ang promo ng pelikula nitong “Kiko En Lala”.

Baliktarin man ang mundo, ayon kay Tekla, malaki ang utang na loob nito kay Willie.

Deadma na lang si Tekla sa mga patuloy na sumisira ng kanyang image at sinasabing malaki na ang kanyang ulo at patuloy pa rin sa kanyang bisyo.

In fairness, ang fresh ni Tekla nang mag-guest siya sa show namin ni Dondon Sermino, ang “Abantelliling” noong nakaraang Huwebes, isang pruweba na malinis na ang kanyang sistema o pamumuhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy