Una sa Balita

Joseph nilason sa The Good Son

0 2,712

Sapat nga bang ebidensya ang pagiging isang mabuting anak upang mahatulang inosente?

Matutuldukan na nga ang lahat ng katanungan ng mga manonood dahil malalaman na kung sino kina Joseph (Joshua Garcia), Calvin (Nash Aguas), Obet (McCoy De Leon), at Enzo (Jerome Ponce) ang tunay na inosente sa The Good Son, na ginawaran ng best TV drama series at best ensemble acting for teleserye awards sa kakatapos lang na Gawad Tanglaw Awards.

Mas tumitindi na nga ang laban ng apat na mga anak para sa katotohanan ngayong nauwi na sa dahas ang kanilang pagsasagupaan matapos magtutukan ng baril sina Enzo at Joseph, pati na rin sina Obet at Calvin sa pag-aasam na makapaghiganti sa kinahinatnan ng kanilang pamilya.

Dahil dito, mas umiigting ang ebidensya na maaaring isa sa kanila ang pumatay kay Victor ngayong nakikita na kung hanggang saan sila kayang dalhin ng kanilang poot para kumitil ng buhay para lang makapaghiganti.

Samantala, mararanasan naman ni Joseph ang sinapit ng kanyang ama dahil lalasunin din siya sa mismong araw ng kanyang kaarawan – isang malaking kaganapan na mas maglalapit naman sa lahat sa kung sino nga ba ang tunay na utak sa likod ng krimen. Maparusahan na nga kaya ang taong pumatay kay Victor?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy