Una sa Balita

Joseph matindi ang galit kay Ronaldo Valdez

By
0 1,095

Matapos ang inantabayanang rebelasyon tungkol sa pagkatao ni Isagani (Jake Cuenca) noong Lunes (Enero 21) sa “Los Bastardos,” ibinunyag naman noong Biyernes ­(Enero 25) ang isa pang anak ni Don Roman (Ronaldo Valdez) – si Lorenzo (Joseph Marco) – at ang pagpasok sa serye ng batikang aktres na si Gloria Diaz.

Pinakaaabangan ng mga manonood ang pagsiwalat ng katotohanan sa katauhan ni Isagani kaya’t nagkamit ito ng panibagong all-time high national TV rating para sa programa na 17.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Mas mataas kaysa sa katapat nitong programa na “Wowowin” (14.8%).

Lubos ang kaligayahan ni Don Roman nang malaman na si Isagani ang kanyang nawawalang anak na nadiskubre dahil sa singsing na pinakaiingatan ng binata. Ito ang singsing ni Soledad (Cristine Reyes) na iniwan sa sanggol na Isagani bago gumuho ang lupa sa kanya.

Habang sinusubukang ayusin ni Don Roman ang relasyon ng kanyang apat na anak – Isagani, Matteo (Marco Gumabao), Connor (Joshua Colet) at Lucas (Albie Casiño) – ay pinakilala ng programa ang isa pang Cardinal. Si Lorenzo Cuevas, na gagampanan ni Joseph. Dahil sa pag-aakalang si Don Roman ang nagtangka sa buhay ng kanyang ina ay napuno ng galit ang kanyang puso laban sa mga Cardinal.

Ipinasilip din ang pagpasok sa programa ng 1969 Miss Universe na si Gloria, bilang si Consuelo Cuevas, isang babaeng may misteryosong nakaraan.

Paano kaya tatanggapin nina Don ­Roman, Isagani, Matteo, Connor at Lucas ang pagdating ni Lorenzo? ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy