Una sa Balita

JOSEPH MARCO, NATATAKAM SA ALINDOG NI MAJA!

By
0 24

May kakaibang tingin at ngiti si Joseph Marco kapag natatanong tungkol kay Maja Salvador na leading lady niya sa Wildflower, ng ABS-CBN, sa pamamahala ng RSB Production Unit ni Direk Ruel S. Bayani.

Napansin namin ang makahulugang mga tingin at ngiti ni Joseph tungkol sa pakikipagtrabaho nito kay Maja sa taping ng kanilang programa. Hindi naman itinatanggi ni Joseph ang malaking paghanga niya sa husay ni Maja bilang aktres at pati na sa kagandahan nito. Kaya hindi na kataka-taka na unti-unti ay naakit siya sa alindog ni Maja.

Natanong namin si Joseph tungkol sa pagnanais na niyang magkaroon ng steady girlfriend, na tipong ito na ang pakakasalanan niya. At isang babae raw na maiintindihan ang trabaho niya at gaya niyang hardworking at handa sa pagkakaroon ng sariling pamilya ang hinahanap talaga niya.

Pero alam ni Joseph na mahihirapan siyang makahanap ng ganung klase ng babae, dahil medyo close to perfection ang peg niya.

Tinanong namin siya kung puwede ba niyang baliin ang kanyang pamantayan kung ang isang gaya ni Maja Salvador na hindi pa gustong magpatali ang makaka-relasyon niya?

Makahulugan ang pagkakangiti ni Joseph at big­lang kumislap ang mga mata nito sabay sabing, hindi pa naman final plan, na sa ngayon, ‘yun lang naman ang peg niya.

Tapos sinundan niya ng mga papuri tungkol kay Maja at sa obserbasyon nito sa personality ng aktres na magaan nga raw kasama.

Ayaw magsa­lita nang patapos ni Joseph sa posibilidad na maaari niyang pormahan si Maja dahil baka raw may ka-relasyon ito ngayon.

Tinanong niya nga kami kung may boyfriend si Maja ngayon, na sinagot naman naming base sa interview namin sa aktres, may mga nagpaparamdam pero, pero busy raw siya sa work.

Napangiti si Joseph na parang nabuhayan ng pag-asa.

Pero ayon nga sa kanya, hahayaan muna niyang dumaloy ang magandang takbo ng working relationship nila ni Maja, at doon niya pakikiramdaman ang sarili.

Giit pa niya, napakaganda, mabait, masa­yang kasama ang aktres. So, ‘yun na ‘yun!