Una sa Balita

Joseph Marco ipinarda ang dyowang beauty queen

0 768

Ayaw pakabog kay Jake Cuenca

Hindi nagpatalo kay Jake Cuenca si Joseph Marco, ha! Kung beauty queen ang dyowa ni Jake, ganu’n din ang kay Joseph.

Ipinangalandakan ni Joseph ang rason kung bakit hindi talaga sila puwedeng magkatuluyan ng ka-love team niya sa seryeng “Los Bastardos” na si Ritz Azul, dahil taken na nga raw siya ng isang beauty queen.

Nag-post si Joseph ng cheesy photo nila ng kanyang dyowa sa Instagram, na si Celeste Cortesi. Si Celeste ang Miss Earth Philippines 2018.

Birthday ni Joseph kamakailan at ang photo nilang dalawa ni Celeste na kuha sa isang formal event ang pinaskil niya. Super-proud si Joseph sa photo nila ng kasintahan at sa caption, malalamang umaapaw sa kaligayahan at pag-ibig ang puso ni Joseph.

“Just a moment ago i thought of you and my heart was filled with gratitude. Thank you for existing. I love you,” sabi ni Joseph.

Well, saksakan ng ganda ang girlfriend ni Joseph. At super in love rin sa kanya, na nag-post pa sa kanyang IG ng photo nila.

“Ako’y sa ‘yo, ikaw ay akin. Happy happy birthday wawa!” sabi ni Celeste. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy