Una sa Balita

Joseph Marco int’l star na

0 442

Si Joseph Marco ang latest Filipino talent na gumagawa ng ingay abroad dahil parte na siya ng isang international series na mapapanood sa HBO Asia.

Masayang ibinahagi ng Kapamilya aktor sa kanyang Instagram account ang balita at nagpapasalamat para sa oportunidad na makagawa ng proyekto sa ibang bansa.

“It’s my first day of shooting here in Kuala Lumpur. Feels very surreal doing my first ever acting stint abroad! It’s such an overwhelming experience to be able to work with international production and I really am grateful for it,” sabi ni Joseph.

Ayon sa ABS-CBN international production and co-production, kabilang si Joseph sa cast ng pangalawang season ng hit series na “The Bridge” sa ilalim ng produksyon ng Double Vision.

Ang “The Bridge” ay tungkol sa mga pulis mula sa iba’t ibang bansa na nagtutulong-tulong na tuklasin ang katotohanan sa pagkamatay ng isang taong hinati sa kalahati at iniwan ang mga labi sa border ng dalawang magkatabing bansa. Nakatakdang ipalabas ang “The Bridge” ngayong 2020 sa 24 territories.

Bago naman maging parte ng inaabangan international series, kamakailan lamang ay napanood si Joseph Marco bilang isa sa mga bida ng “Los Bastardos” na umere anng isang taon sa telebisyon. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy