Una sa Balita

Joseph damay sa galit ng mga fan: ‘MMK’ ni Charo iboboykot dahil kay Bong Go

By
0 1,111

Inulan ng iba’t ibang reaksyon ang trailer ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK) para sa darating na Sabado dahil nabahiran umano ng politika. Buhay kasi ni Bong Go ang kuwentong ibabahagi sa “MMK” ngayong Sabado.

Naghihimutok sa galit at inis ang mga fan, kalaban, dahil bakit daw hinahayaang maglabas ng ganitong klaseng palabas na obviously raw may bahid ng politika.

Sunod-sunod umano ang mga inilalabas na palabas ang hindi maiwasang mabigyan ng malisya dahil ang mga buhay ng tao na ikukuwento ay hindi basta ordinaryong mamamayan o artista lamang, kundi mga taong siguradong nangangampanya para sa darating na eleksyon.

Pati nga ang mga artistang gaganap para sa karakter ng naturang palabas ay nadadamay sa harsh comments ng mga netizen.

“CHEAP! Ito ung pinakawalang kwenta at basurang episode ng MMK! Boycott na­yan!!!”

“May aral man o wala hindi un ang issue. Magagamit ang MMK sa personal na ambisyon ng politiko. Wag naman ganun. Pumarehas kau. Panu un kandidato na walang pambayad para makagawa ng biopic nya?”

“Wow abs-cbn /mmk nagpagamit kayo…. nakaka disappoint kayo….”

‘Yan at marami pang iba ang mga comment na pinaulan ng mga netizen na ‘di sang-ayon sa paglabas ng buhay ni Bong Go sa “MMK.”

Laking gulat din daw kasi ng mga fan na pati sa pamamagitan ng mga pelikula’t palabas ay nakakapagkampanya na. Dati raw kasi ay puro campaign at poster lang. Ngayon ay nagtataka umano ang mga netizen paano lume-level up ang panga­ngampanya ng mga politiko.

Samantala mayroon pa rin namang pabor sa pagpapalabas ng istorya ng buhay ng mga politiko dahil interesado raw silang alamin ang mga pinagdaraanan ng mga naturang kandidato.

Ang iba naman ay hindi raw intensyon na magalit sa mga artistang gaganap pero hindi raw maiwasang ulanin ng batikos ang mga karakter na gaganap.

Bibida kasi si Joseph Marco bilang Bong Go sa “MMK” kaya marami ang nagulat sa aktor at niratrat nga ng pambabatikos.

Nakabuo pa ng hinala ang ilang mga netizen na kaya nasa Davao ngayon si Joseph ay para nga sa naturang episode na gagampa­nan niya bilang isang politiko.