Una sa Balita

Jose Mari Gonzales pumanaw na

0 310

Nag-post kahapon ang veteran columnist na si Aster Amoyo tungkol sa pagpanaw ng tatay ni Mayor Kring-Kring Gonzales, si former Sampaguita matinee idol and politician Jose Mari Gonzales. Malapit na kaibigan ng mga Gonzales si Tita Aster.

Ayon kay Tita Aster, namatay kahapon (6:30 am) due to pneumonia at cardiac arrest si Mr. Gonzales, sa edad na 80 (pero ayon sa Wikipedia ay ipinanganak si Mr. Gonzales nu’ng June 15, 1942 sa Tacloban City.

Kinasal si Mr. Gonzales kay Rosario ‘Chayong’ Mallarky-Gonzalez. At bukod kay Mayor Kring-Kring ay anak din ni Mr. Gonzales sina Jose Luis, Michael, Anna at Jose Mari, Jr.

Ang kanyang labi ay ibuburol sa Heritage Memorial Chapel sa
Taguig City hanggang Biyernes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy