Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jose Manalo palaban sa papogian kina Luis, Billy

0 203

Si Jose Manalo na yata ang pinaka-busy na TV host ngayon. Aba, kinabog pa niya sina Vic Sotto at Joey de Leon sa rami ng raket, ha!

Napapanood araw-araw si Jose sa Eat Bulaga ng GMA 7, ganun din sa Fill in the Bank ng TV5 kasama si Pokwang.

At heto nga, may bago na naman siyang show sa GMA 7, ang Catch Me Out Philippines, kasama sina Kakai Bautista at Derrick Monasterio.

At tinukso ko nga siya, siya na ang pambato, panlaban, pambala kina Luis Manzano at Billy Crawford, ha!

“Hahahaha! Hindi ko naman naiisip `yon. Pero, puwede rin. Basta ako, tinatanggap ko lang ang trabaho na binibigay nila sa akin.

“Pero, magkakaiba kasi kami ng style. Hindi ko kaya `yung ginagawa nila na serious na hosting, ako talaga, dapat may comedy. Hindi ako `yung nagbabasa talaga ng script o mga lines na dini-deliver. Ako, kung ano lang naisip ko, `yun ginagawa ko,” sabi niya.

Pagdating sa talent, walang duda na angat din si Jose, pero pagdating sa itsura o kaguwapuhan?

“Ah, baka `yun nga ang pinagbasehan nila kung bakit ako ang napili nila. Baka pantapat nga sa kaguwapuhan nina Luis at Billy! Hahahaha!” pabirong chika ni Jose. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.