Una sa Balita

Jose Manalo minaliit ng mga basher, rumesbak

0 438

Hindi nga dapat maliitin ang pagiging member ng StarStruck Season 7 council ni Jose Manalo dahil mas bihasa ito na humarap sa maraming auditions sa iba’t ibang contest ng Eat Bulaga.

Kaya masasabi nga na may mata at tenga si Jose para sa mga future star na magiging contestants ng StarStruck.

“Hindi lang naman mga pang-drama ang hanap natin sa isang artista. Kailangan yung magaling din magpatawa.

“Mas maganda kung versatile ang isang contestant. Yung kahit na anong ipagawa sa kanya, magagawa niya.

“May tawag doon, eh. Yung Triple Treat. Magaling kumanta, sumayaw at umarte. Kung may gano’n sa 22 hopefuls natin, eh di mas maganda,” ngiti pa ni Jose.

Kung may maipapayo nga raw si Jose sa mga contestant ng StarStruck, ito ay ang huwag paapekto sa mga magiging komento sa kanila ng maraming tao.

“Uso kasi ang bashing sa social media, ‘di ba? Eh noong araw naman walang ganyan. Kaya ako, wala akong social media account, eh. Wala akong Facebook, Twitter or Instagram. Kasi magiging problema pa yan.

“As long as wala kang alam at nababasa, okey ang lahat. Marami na tayong problema, hindi tayo dapat mag-entertain ng anumang negative.

“Yang mga basher, puro inggit lang ang mga yan. Kaya huwag pansinin,” diin pa ni Jose.

Sa mga hindi nakakaalam, nag-audition sa StarStruck Season 3 ang isang anak ni Jose Manalo na si Benj Manalo. Gamit pa noon ni Benj ang pangalan na Don B Manalo at umabot ito sa Top 20.

Mga ka-batch noon ni Benj ay ang yumaong si Marky Cielo na siyang nanalong Ultimate Male Survivor at si Jackie Rice na Ultimate Female Survivor. Ka-join din sa batch na ito ay sina Iwa Moto, Vaness del Moral, Arci Munoz, Chuck Allie at Vivo Ouano.

Ngayon ay mas kilala si Benj sa pag-labas sa ilang shows sa ABS-CBN 2 at sa paglabas nito sa musical na Rak of Aegis. Si Benj din ang fiance ng Sunday Pinasaya comedienne na si Lovely Abella. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy