Una sa Balita

Joross nairita kay Julia

0 501

Kung sanay tayong kinatutuwaan si Joross Gamboa sa mga palabas at pelikula, kakainisan naman daw siya sa “24/7” kung saan makakasama niya ang nagbabalik-telebisyon na si Julia Montes.

“Sa ‘24/7’ medyo maiinis kayo in a way pero mahal ko ‘yung bata pero hindi kami okay doon ni Julia. Nag-aagawan kami sa custody ng bata,” sabi niya.

Pero siyempre, hindi naiwasang matanong siya tungkol kay Julia, lalo na’t lahat ay sobrang naiintriga sa pagbabalik ng aktres. Aniya, hindi raw kumupas ang galing ni Julia sa pag-arte. Parang hindi raw namahinga!

“Parang hindi siya nag-adjust at all. Parang wala, nakapag-deliver agad siya nang maayos,” kuwento ng “Star Circle Quest” alum.

In fairness sa “24/7” ha, timing sa mga kaganapan ngayon dahil base sa teaser nito, mukhang tungkol ito sa outbreak ng isang malubhang sakit, na kasalukuyang nangyayari ngayon sa pagkalat ng 2019-nCoV.

Bukod naman sa “24/7,” mapapanood si Joross sa “Fluid” na ipapalabas sa iWant. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More