Una sa Balita

Joross ‘nagpakabakla’ na para sa ekonomiya

By

Mga tunay beki nawalan ng trabaho

0 3,371

Hindi kaya mas­yado na ring ma-typecast si Joross Gamboa sa gay roles? Kasi nga, pagkatapos siyang palakpakan sa Deadma Walking bilang kaariba ni Edgar Allan Guzman, heto at pakembot-kembot naman siya sabay tikwas ng kanyang mga kamay sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Although, mas tame ang papel ni Joross sa movie na ito kumpara sa Mrs. Reyes dahil isa siyang closet gay dito, still, a gay role is a gay role.

Pinapalakpakan lang si Joross ng marami dahil sa pagiging secure nito sa kanyang sarili na kahit gampanan man niya ang kalambutang ito, barakong-barako pa rin siya sa totoong buhay.

Siyempre, unang magpapatunay nito ay ang kanyang misis na keber din niya kung beki role na naman ang tinanggap ng kanyang mister, basta pagda­ting sa pagiging macho nito ay sure na sure siya, noh!

Ang saya lang isipin na ang magagaling na aktor natin na walang kainse-insecurity sa kanilang katawan ay mas magagaling nang umarte bilang beki sa ibang totoong berde ang mga dugo, devah?

Keber nila kung ma-typecast sila sa role as long as nagagampanan nila ang kanilang pagiging isang tunay na alagad ng sining, devah? At siyempre, para sa ekonomiya na rin, noh!

Michelle Gumabao at Vickie Rushton may ‘k’ ba sa Bb. Pilipinas?

Dalawang celebrities ang inaabangan ngayon kung ano ang magiging kapalaran sa darating na Bb. Pilipinas 2018. Ito ay sina Michelle Gu­mabao at Vickie Rushton.

Si Michelle ay ang anak ng dating aktor na si Dennis Roldan at kapatid ng Viva actor na si Marco Gumabao, samantalang si Vickie naman ay ang dyowa ni Jason Abalos.

Sikat din si Michelle bilang isang volleyball player na may height na 5’10” at si Vickie naman ay sanay nang rumampa sa beauty pa­geant kung saan siya ang kinoronahan noon bilang Mutya ng Pilipinas 2011.

Wala pa kaming balita kung meron pa bang sumali na celebrities dahil wala pa ang official list mula sa Binibining Pilipinas Charities, pero so far, ang dalawang ito ang isa sa maraming applicants na iti-trim down pa o isu-short list ng BPC, Inc.

Parehong excited sina Jason at ang Gu­mabao family sa magiging standing ng kani-kanilang manok na hoping na makapasok nga ang mga ito.

Malaking challenge sa kokoranahang Bb. Pilipinas 2018 beauties ang taon na ito dahil noong nakaraang taon ay medyo matamlay ang record natin sa international beaucons.

Malay natin, this year ay babawi ang Pinas, devah?