Una sa Balita

Joross at JC de Vera nahuling naglalambingan

Beking-beki na talaga, ha!

By
0 2,429

Binibiro ng press people kung posibleng magkaroon ng bromance sa pagitan nina Joross Gamboa at JC de Vera lalo na at parehong closet gay ang role nila sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes ng Star Cinema, Quantum Films at The Idea First.

Marami kasi ang nakapansin sa ‘sweetness’ nilang dalawa na habang ini-interview sila together after the ge­neral presscon, e, laging nakahawak ang kamay ni Joross sa thigh ni JC at si JC naman ay nakaakbay kay Joross at paminsan-minsan ay nakapatong din ang kamay sa thigh din ni Joross.

Nang pansinin namin ito, ang lakas ng tawanan ng dalawa.

Ayon nga sa kanila, feeling nila ay in cha­­r­acter pa rin sila, huh! Kaya, subconsciously ay lumalabas ang pagka-kloseta nila.

Pero, sey naman ni Joross, very close talaga sila ni JC dahil basketball buddy niya ito at talagang marami na silang pinagsamahan.

Ayon naman kay JC, kapag close kayo talaga sa isa’t isa, minsan ay nabibigyan ito ng ibang kahulugan.

Pero, ‘yung ina­aakala ng iba na baka mag-develop nga ito sa isang bromance na may malisya, imposible raw mangyari ito. Pareho silang barako in the real sense lalo na’t may pamilya na si Joross.

But anyway, hypothetical lang naman ‘yun dahil sa kakaiba ngang lambingan nilang dalawa na sa totoo lang mawiwindang ang mga totoong beki na nagpapantasya sa kanilang da­lawa, noh!