Una sa Balita

Joross hindi mapapantayan ang husay ni Edgar Allan

By
0 321

Magaling din si Joross Gamboa sa Deadma Walking pero mahirap pantayan ang acting na ipinamalas ni Edgar Allan na may gay na ka­patid sa tunay na buhay na isa sa mga inspirasyon niya.

Naniniwala kami na taon ni Edgar Allan ang 2018 dahil sa napansin na pagganap niya sa Deadma Walking.

Hindi mapagdududahan ang sexual prefe­rence ni Edgar Allan dahil natural na mahusay siya na aktor, anuman ang karakter na ibigay sa kanya tulad ng straight role niya sa My Korean Jagiya ng GMA 7.

Si Julius Alfonso ang direktor ng Deadma Walking. Sa kanyang welcome speech, sinabi ni Alfonso na 2014 pa ang conceptualization ng Deadma Walking­, isang subtle clarification na hindi inspired ang pelikula ng kuwento ng Die Beautiful.

Ang Deadma Walking ang unang full-length movie directorial job ni Alfonso na assistant director ni Chris Martinez sa Meant To Beh na official entry din sa Metro Manila Film Festival 2017.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More