Una sa Balita

Joross Gamboa pasimuno sa ‘bawal tigasan’

By
0 1,023

Nakakaloka pala ang ilang bagong original series at movies na ilalabas ngayong taon ng iWant, ang streaming service ng ABS-CBN. Ngayong buwan lang, maraming mapapanood dito na masasabi naming mapa­ngahas at hindi pa nagagawa ang konsepto sa Pilipinas.

Isa na rito ang original movie na “Allergy in Love,” na isinulat at idinirek ng aktor na si Joross Gamboa. Mapapanood na ito ngayong Enero, at bida rin dito sina Chienna Filomeno at Pocholo Barretto.

Sobrang naloka kami sa konsepto ng movie dahil tungkol ito kay Johnson (Pocholo) na nakakakuha ng matinding allergic reaction na maaari niyang ikamatay kapag na-“excite” siya o sa madaling salita, tinitigasan.

Kaya lamang ibang klaseng proteksyon ang ibinibigay ng mga kaibigan niya sa kanya upang hindi siya magkagusto sa babae dahil sa kakaibang kondisyon niyang ito. Pero dahil hindi napipigilan ang pag-ibig, makikilala niya at mahuhulog ang loob niya kay Ayama (Chienna), at hahanap sila ng lunas upang magamot ito.

Paano kung hindi na nga ito kayang gamutin? Ang tanong: Handa bang ibuwis ni Johnson ang kanyang buhay alang-alang sa pag-ibig?

Ang isa pang kakaibang seryeng mapapanood sa iWant ay ang “Hush,” tungkol sa iba’t ibang kuwento naman ng mga taong naghahanap ng bagong karanasan sa sex. Kung sino-­sinong aktor o aktres ang bibida rito ay aabangan pa namin.
Pero base sa mga teaser na inilabas ng social media accounts ng iWant,

mukhang yayanigin nito ang panonood ng lahat. Marami na nga ang nasasabik, pati na sa original movie na “Jhon en Martian” nina Arci Muñoz at Pepe Herrera na ngayong Pebrero naman masisimulang mapanood.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More