Una sa Balita

Jordan sabik na sa kanyang mga brother

By ,
0 619

“CONGRATS to my bros and the country such an honor for the country, qualifying for the world cup, so hyped! Hope to see you guys in China!”

Ito ang post ni Cleveland Cavaliers star at Filipino-American player Jordan Clarkson matapos mag-qualify sa ikalawang sunod na pagkakataon ang Team Pilipinas sa FIBA World Cup 2019 sa China sa darating na Agosto.

Kasabay nito ang pagpapahayag na muling mapabilang sa Team Pilipinas upang matulungan ang kanyang mga brother sa World Cup.

Matatandaang nakapaglaro na para sa bansa si Clarkson sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia kung saan nagtapos ng fifth place ang tropa.

Bagaman mas mahigpit ang FIBA pagdating sa eligibility ng isang manlalaro, susubukan pa rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kunin ang serbisyo ni Clarkson para may kapalitan si na­turalized big man Andray Blatche.

Nasungkit ng Pilipinas ang hu­ling spot sa FIBA World Cup matapos nitong pabagsakin ang Qatar at Kazakhstan sa huling window ng Asian Qualifier nitong nagdaang weekend.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy