Big 3 pamatay ng Lakers

MULA sa Big 3 hanggang support cast, pamatay ang roster ng Los Angeles Lakers.
Pang-once-in-a-lifetime nga ang komposisyon ng squad, ayon kay NBA champion at 2004 All-Star forward Metta Sandiford-Artest.
Ang dinidiga ay bibitbitin nina LeBron James, Anthony Davis at Russell Westbrook ang Lakers sa 18th banner sa 76th o 2021-22 season.
“This Lakers team is like a classic lauryn hill album. It only happens once in a lifetime. Can’t wait for the season to start. Skip preseason,” tweet Sabado ni Sandiford-Artest, dating kilalang Ron Artest Jr. bago naging Metta World Peace.
Miyembro si Artest ng 2009-10 championship ng Lakers.
Kinuha rin ng LA sina Carmelo Anthony at Dwight Howard, babalik din si Rajon Rondo.
At iniulat ni Shams Charania ng The Athletic na pagkatapos ma-clear ang waivers ay pipirma si big man DeAndre Jordan ng one-year, $2.6M sa Lakers. Pinamigay ng Brooklyn si Jordan sa Detroit pero bibitawan din daw agad ng Pistons. (Vladi Eduarte)