Una sa Balita

Jordan ‘nainlab’ sa tequila

0 309

MAY bagong pinagkakaabalahan si Michael Jordan – tequila.

Nakipag-team up ang basketball hall of famer at owner ng Charlotte Hornets sa mga may-ari din ng Celtics, Lakers at Bucks para gumawa ng ultra-premium blend ng alak. Nanalo na nga raw ito sa tasting competitions sa New York at Los Angeles.

“It’s not about the ownership group. It’s not a celebrity-endorsed brand,” ani Emilia Fazzalari, CEO ng Cincoro Tequila at asawa ni Boston Celtics owner Wyc Grousbeck. “It was never about that. For us, it has always been the liquid first.”

Tatlong taon na ang nakakaraan, sa isang dinner, nang madiskubre nina Jordan, Grousbeck, Fazzalari, Lakers owner Jeanie Buss, Milwaukee Bucks owner Wes Edens at Jordan na pare-pareho pala sila ng hilig sa tequila.

Hindi lang basta nag-ambagan ang basketball magnates.

May kinalaman si Jordan sa disenyo ng bote, kasama ng vice president of innovation special projects sa Nike na si Mark Smith.

Ang bote: Five-sided crystal container para sa limang dahon ng agave plant (pinagkukunan ng tequila) na nakatingala sa 23-degree angle (jersey number ni Jordan).

Nasa 1,000 na iba’t ibang blends ang tinikman ng grupo bago nagkasundo sa isang flavor.

Apat na iba’t ibang tequilas ang nagawa ng Cincoro, una ang unaged Blanco na nagkakahalaga ng $70. Meron pang limited edition Extra Anejo, aged 40-44 months, na binebenta ng $1,600 at nakalagay sa black crystal bottle na may real gold. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy