Una sa Balita

Jordan lumaklak ng beer, umiskor ng 52 versus Cavs

0 534

KILALA si Michael Jordan na mahilig sa sugal at golf, maliban sa basketball.

Pero sa beer?

May ibinuking si dating Chicago Blackhawks star Jeremy Roenick na istorya nila ni Jordan noong 1990s.

May laro raw noon ang Chicago Bulls ni Jordan laban sa dumayong Cleveland Cavaliers, umaga ay inaya ng basketball legend si Roenick para maglaro ng golf – 18 holes sa Sunset Ridge.

Nanalo si Roenick ng ‘couple thousand dollars’ at naghahanda nang uma­lis dahil alam niyang may laro si MJ kinagabihan. Pero pinigil daw siya ni Jordan, humihingi ng rebanse.

Balik-tanaw ni Roenick sa McNeil and Parkins Show ng The Score:
“He’s like, ‘No, let’s go play again,’ So he goes, we fill up a bag full of ice and Coors Light and we walk again, we roll around another 18 (holes) and I take him for another couple.”

Tumutungga sila ng beer, pero mula Sunset Ridge ay didiretso ng stadium si Jordan para maglaro ng basketball. Niloloko raw siya ni Roenick.
“Son of a gun goes out and scores 52 and they win by 26 or something after … 36 holes of golf and having like 10 Bud Lights.”(VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy