Una sa Balita

Jordan, James nalungkot

0 333

DALAWANG pinakama­galing na basketball player sa mundo – si Michael Jordan at ­LeBron James – ang nagluluksa sa biglaang pagpanaw ni Kobe Bryant.

Kahapon ay bumagsak ang ­sinasakyang helicopter ng NBA le­gend, agad na ­namatay kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pang pasahero sa ­California.

Kita sa video na nilabas ng NBC4 Los Angeles na sobrang emosyonal ni ‘The King’ nang lumanding ito nang Los Angeles.

Marami naman sa mga sumalubong sa kanya ang yumakap upang damayan ang player.

Samantala si ­Jordan, hindi makapaniwala sa sinapit ng kanyang ‘­little brother’ na si Kobe.

“I am in shock over the tragic news of ­Kobe’s and Gianna’s passing. Words can’t desrcibe the pain I’m feeling,” sabi ni Jordan.

“I loved Kobe, he was like a little brother to me. We used to talk often, and I will miss those conversations very much. He was a fierce competitor, one of the greats of the game and a ­creative force.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More