Una sa Balita

Jordan Clarkson thankful sa suporta ng mga Pinoy

By
0 810

LUBOS ang pasasalamat ni Cleveland Cavaliers star Jordan Clarkson sa taos-pusong suporta ng mga Filipino fan sa kanya.

Simula noong nakapasok ito sa NBA hanggang mapabilang sa Team Pilipinas sa Asian Games noong nakaraang taon, todo na ang suporta na ipinapakita ng mga Pinoy fan.

At ngayong botohan na sa NBA All-Star season, magiging makabuluhan ito para kay Clarkson kung mapabilang siya rito.

“I know they support. They show a lotta love. If it happens, it happens. I appreciate the support,” wika ni Clarkson.

“If it happens, it happens. I’m gonna go out there try to produce just like everybody else that’s what it is at the end of the day.”

Nag-tweet din ang ilan sa mga fan ni Clarkson. Sabi ni @GwapoMong, “Pinoy Fans pls vote for Jordan Clarkson para sa NBA All Star 2019.” Maging si Twitter user @DctrLim ng “vote Jordan Clarkson for NBA 2019.”

Kasalukuyan namang nasa dulo ng standings ng Eastern Conference ang koponan ni Clarkson hawak ang 9-36 win-loss record.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More