Una sa Balita

Jordan Clarkson malabo sa Team ‘Pinas – analyst

By
0 580

SA parating na 2019 FIBA World Cup, isa sa pinagdarasal ng bawat Pinoy hoops fan ay mapagsama ang dalawang NBA player para sa Team Pilipinas.

Kung si naturalized player Andray Blatche ay kayang hatakin anumang oras, hindi ito ang kaso para sa Cleveland Cavaliers sixth man na si Jordan Clarkson.

Sa naging report ng kolumnista sa Spin.ph na si Homer Sayson, kanyang tinimbang ang posibilidad na makasama sa National team ang 26-anyos na Cavs guard, at ayon sa kanya, malabo itong mangyari.

Kung sakali mang payagan ng FIBA ang paglalaro ni Clarkson para sa Pilipinas kahit pa kuwestiyonable pa ang isyu nito sa Philippine passport, isa pang karayom ang dadaanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Pagdating sa insu­rance, ka-partner ng NBA ang MetLife para sa seguridad ng mga manlalaro sakaling ma-injure ang mga ito, ngunit hindi nito saklaw ang mga FIBA game kaya alangan ang mga NBA team na magpahiram basta-basta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy