Una sa Balita

Jordan Clarkson kasama pa rin ng PHL team

Sa puso't kaluluwa!

By
0 1,188

HINDI man personal, kasama pa rin ng Gilas Pilipinas si Fil-Am NBA player ng Cleveland Cavaliers na si Jordan Clarkson sa puso’t diwa.

Ito ang madamdaming mensahe ni Clarkson sa kanyang Facebook account kahapon (Lunes/PHL time) para sa buong­ Philippine basketball kasunod na hindi pumayag ang NBA na maglaro siya sa 2018 Asian Games sa Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia..

“I am terribly disappointed to say that i have not received the required consent to participate in the upcoming Asian Games with our National Team,” sulat ni Clarson sa kanyang Facebook post.

“Although I will not be there in person,­ I will be with my Gilas teammates­ in heart and spirit.”

Sinama ni head coach Yeng Guiao si Clarkson sa line-up na binigay nila sa Asian Games Organizing Committee.­ 

Binigyan ng go-signal ng Cleveland Cavaliers si Clarkson at pinayagan na rin siya ng Organizing­ Committee ng Indonesia upang maglaro subalit hindi siya binigyan ng clearance ng NBA.

Ayon sa NBA, sa FIBA-sanctioned events lamang puwedeng maglaro ang mga manlalaro ng NBA. Nadismaya naman dito sina Asian Games chef de mission Richard Gomez, Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio at Philippine Olympic Committee­ secretary-general Pato Gregorio.

Dinagdag pa ni Gomez na hindi siya manonood ng NBA dahil sa nangyari.

Pinangungunahan ng core ng Rain or Shine na sina Maverick Ahanmisi, Raymond Almazan, Beau Belga, Chris Tiu, Gabe Norwood at James Yap ang Philippine men’s basketball team. Kasama nila sina Paul Lee, Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Poy Erram, at Asi Taulava.

Papalitan ni Don Trollano si Clarkson kung papayagan ng Organizing Committee.

“My desire and ambition to play with my countrymen in the future ­remains resolute and I am adamant that this dream will come true” ­pagtatapos ni Clarkson.