Una sa Balita

Jordan Clarkson ‘binastos’ ng batang basketbolista

0 365

KAHIT ang talentadong baller tulad ni Jordan Clarkson ay nalulusutan pa rin ng baguhan sa basketball.

Sa video na ni-retweet ng House of Highlights, matinding depensa ang tinapat ni Clarkson sa isang batang lalaki sa isang summer basketball camp.

Nag-drive ang bata patungong basket,­ big­lang nagpreno at pumeke ng tira na sinabayan ng Cleveland Cavalier guard.

Pagpihit ng bata ay aktong isho-shoot ang bola, ngunit nalinlang na naman ang Fil-Am National Basketball Association player.

Sa ikatlong pagkakataon ay tinuloy na ng young hooper ang kanyang tira, swak sa ring.

Maging si Clarkson ay natawa na lang sa pangyayari at pinakita pa ang kanyang pagsuporta sa ‘nambastos’ sa kanya. (Ray Mark ­Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy