Una sa Balita

Jong Madaliday: Bulakbol noon, ariba sa pagkanta ngayon

0 811

abante-paistaran-dondon-serminoMalakas sa mga fan si Jong Madaliday, ang first runner-up sa “The Clash” ng GMA-7, na pinagwagian ni ­Golden Cañedo. Katunayan, sa guesting niya noon sa ­Abante News Online show namin ni Rey Pumaloy, ang “Abantelliling,” na napapanood din sa Abante Tonite YouTube, waging-wagi sa mga view at komento ang pag-­eksena ni Jong.

Puro positibo rin ang mababasa mong komento tungkol sa kahusa­yan niyang kumanta. Mala-foreigner nga raw ang boses nito, at hiling nila na mabigyan pa ito ng pagkakataon na makagawa ng album, at masubukan din ang pag-arte.
Pero, sino nga ba si Jong nu’ng nasa North Cotabato pa siya?

“Si Jong pursigido talaga mahanap ang buhay niya sa music, bilang musikero. Dati nag­hahanap kami ng tugtugan, dumadayo kami ng malayo, sa Kidapawan City. So, mag­babiyahe kami 5pm, darating kami 8pm, start kami 9pm uuwi kami, darating kami sa bahay 5pm na kinabukasan na.

“Nag-stop ako ng pag-­aaral dahil sa music. Bulakbol din kasi ako noon. Bugoy kasi ako noon. At saka, music talaga ang gusto ko noon, eh,” kuwento ni Jong sa ­“Abantelliling.”

Paano ba natutong kumanta si Jong?

“Hind ko siya pinag-aralan, kusa lang siyang duma­ting. Dan­cer talaga ako noon. Nu’ng first year high school ako sumasali ako sa mga dance contest, eh, naisip ko parati na lang kaming natatalo.

“Tapos palagi akong pinapagalitan sa bahay, kasi umuuwi ako madaling-araw na. So, nag-stop na ako sumayaw.

“Then, nu’ng third year high school, nag-aral na akong maggitara. Pero noon bago ako nag-­aaral maggitara, ininsulto pa ako. Pero, nakatulong ‘yon para ma-motivate ako.”

“Noon kasi ninanakaw ko pa ang gitara ng kapitbahay namin para mag-play. Sobrang tigas pa ng mga kamay ko noon. Sabi niya sa akin, wala raw akong future sa ­gitara, sobrang sakit.”

Pero, bata pa lang ba siya ay alam na niyang maganda, o kakaiba ang boses niya?

“Ang pagkanta naman, kasal ng tito ko that time, sinubukan ko lang kumanta. Nag-videoke kami, kinanta ko ‘yung ‘Faithfully’, after that, sinampal-sampal nila ako, nagulat sila. Sabi nila, marunong pala raw akong kumanta.

“Ako kasi hindi ko alam na marunong ako kumanta. Pero, sa family namin, kumakanta talaga sila.

Nakalmot, nagdugo ang labi, nahulog sa stage dahil sa mga fan

Ngayon nga, marami na ang nakakakilala kay Jong. Katunayan, sa bawat mall show na pinupuntahan niya, dinudumog na siya ng mga fan.

Sa kuwento ni Jong, kung ano-ano na raw ang nangyari sa kanya sa mga mall show na pinupuntahan nila.

“Nahulog na ako sa stage noon. Nagmamadali ako noon, at saka nahila ako ng mga fan, tapos may mga kumakalmot na rin, nanggigigil sila. Minsan sa tiyan ko may mga kalmot ako.

“Nakain ko rin minsan ang mikropono dahil sa security guard. Sa sobrang dami ng mga tao, ‘yung security guard na nagbabantay sa akin, halos matumba, naumpog ng mikropono ang ulo ng guard. Pumutok ang labi ko.

“Pero kahit ­masakit, ngu­mingiti pa rin ako, ­kumakanta pa rin ako.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy