Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jong Madaliday bugbog sa panlalait

0 156

Kinuwento ng The Clash alumnus na si Jong Madaliday na biktima siya ng bashing at pambu-bully sa social media.

Ilang beses na raw nilait ng maraming netizen ang kanyang pisikal na kaanyuhan imbes na mapansin ang kanyang talento sa pag-awit.

Sa website na Omegle, na isang chat hub, mga foreigners pa raw ang natutuwa at pinupuri ang pagkanta niya. Ang mga kapwa Pinoy raw niya ang siyang sobra kung manlait sa kanya.

“Pass muna ako sa ometv. Mas okay na ‘yung bugbogin ka matatangal pa ‘yung sakit pero masasaktan ka emotional sh*t ‘di ko kaya.

“Dito sa Pilipinas di sapat na may talento ka kasi lahat kayang gawan ng issue. Woah! Grabe ito yong time na sana sa ibang bansa nalang ako nakatira, siguro mas tanggap nila ako, mas maa-appreciate nila ang hitsura ko, ang kulay ko, at ang talento ko. Napakahirap mag-excel sa Pilipinas kung “ganito” kalang,” post ni Jong. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.