Una sa Balita

Jones, TNT iiwas maghabol sa SMB

0 336

GAME 5

Finals Game 5 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — TNT vs. SMB
(Series tied 2-2)

NO-SHOW si coach Bong Ravena sa post-game interview matapos matalo ang kanyang TNT KaTropa sa San Miguel Beer 106-101 sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup Finals Linggo ng gabi.

Customary, required pa nga, ang coaches ng winning at losing teams na pumasok sa press room para sa interview.

Natapos si coach Leo Austria ng SMB na bitbit si June Mar Fajardo sa press room ng Smart Araneta Center, kasunod dapat si Ravena.

Makalipas ang ilang minuto, walang dumating.

Nauwi sa best-of-three ang race-to-four wins, kanya-kanyang­ adjustment ang magkatunggali para sa Game 5 mamaya sa Big Dome din. Kailangan makauna.

Noong huli, unang umabante ang TNT 14-8 bago nakaalagwa ng SMB para sa 31-22 pagkatapos ng first quarter.

Nabawi ng KaTropa ang manibela 52-51 sa break, pero hindi naalagaan.
Para masabayan ang power­house team, sinabi ng Best Import na si Terrence Jones na kailangang siguruhin ng TNT na hindi makahawak ng early lead ang Beermen.

Sa third ay dumistansiya pa ng hanggang 84-69 ang San Miguel, at nahirapan nang huma­bol ang KaTropa.

“You know, with the timing of the run they made, it was just very, very hard for us to make a late push,” ani Jones, tumapos ng 32 points, 16 rebounds, 6 assists, 6 steals at 2 blocks.

Isa sa babantayan mamaya ang runs ng Beermen, pumuporma pa lang ay dapat nang pigilin ng Texters.

Huling dumikit ang TNT 104-101 sa layup ni Jones pero 8 seconds na lang sa orasan. Dalawang free throws ni Chris Ross ang naging final tally.

“I think we did a great job of coming back, but with the timing of when they made their run, it was just a little difficult for us to try to get over that hump.” (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy