Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Joneil, Gerry leaf artist sa Samar

0 170

Dalawang leaf artist ang nagbigay-pugay sa mga Olympic gold medalist ng ating bansa.

Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pag-ukit ng mga larawan sa malaking dahon ng gabi.

Ang dalawang artist na ito ay sila Joneil Calagos, 22, 3rd year college ay Gerry Gelarde, 19 anyos, 1st year college.

Tiyak na maipagmamalaki sila ng kanilang mga magulang.

Kapwa kumukuha ng Bachelor in Elementary Education sa Nortwest Samar State University ang dalawa na kapwa miyembro ng isang grupo ng mga Artist na SIWAK Art Group.

Ang kanilang adbokasiya ay magsulong, mag-educate at magturo sa mga kabataan sa pamamagitan ng sining.

Ayon sa kanila ay mahirap lang ang kanilang pamilya ngunit hindi ito naging hadlang para hindi matupad ang layunin nila na makagawa ng kanilang mga sining. Kaya naisip nila ang pag-ukit sa dahon dahil maraming nakatanim na halaman ng gabi sa kanilang Lugar.

Pinipili nila ang mga higanteng dahon ng gabi dahil ayon sa kanila marami na rin ang gumagawa sa dahon ngunit wala pa sa mga malahiganteng dahon ng gabi ang gumagamit nito. Para naman maging kakaiba ang kanilang mga obra.

Related Posts

Buwan ng Nutrisyon

Pumitas ng puno

Umihi sa garahe

Anila kailangan lamang ng galing at talento bilang puhunan sa paggawa nito.

Kung titignan natin ang bawat detalye ng kanilang mga gawa ay talaga naman napakahirap nitong gawin. Mabusisi at detalyado ang bawat pag ukit nito. Gamit lamang ang chisel knife at dahon ng gabi. Konting pagkakamali ay maaring maputol o maghiwalay ang mga dahon.

Ngunit sa dalawang artist na ito ay naging madali dahil pinagsama ang kanilang galing at talento. Kaya naisipan nilang mag collaborate para bigyan pugay ang ating mga Olympic gold medalist tulad ni Hidalyn Diaz at Iba pa nating mga bayani sa Olympics.

Ginawa nila ito para ipakita ang kanilang paghanga at makibahagi sa tagumpay nating mga Pilipino.

“Ang tagumpay nila ay tagumpay nating lahat”, ayon sa dalawang magkaibigan na sina Joneil at Gerry.

Ang tangi nilang problema ay kung paano nila ma preserve ang kanilang mga obra na dapat lagyan ng framing, salamin at backing.

Mahal kasi ang mga ito kaya kung sino man ang may puso at maaring tulungan sila para ma-preserve ang kanilang mga gawa ay maari lamang makipag-ugnayan sa magkaibigan sa pamamagitan ng kanilang mga social media.

Nakilala ang dalawa simula ng gawin nila ang mga ito at Ilang TV program na rin na naimbitahan sila bilang guests.

Dahil sa kanilang ginawa dapat lang natin na sila ay Pasikatin din para naman mapansin ang kanilang mga obra hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.