Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jona, Jaya pasok sa ‘I Can See Your Voice’

0 116

Na-excite ang mga netizen sa sunod-sunod na Instagram post ni KaladKaren na ipinapakita ang behind-the-scenes sa taping nila ng mystery music game show ng ABS-CBN na “I Can See Your Voice,” na isa sa Kapamilya show na babalik sa A2Z channel.

Unang patikim sa Instagram ni KaladKaren, na isa sa SING-vestigators, ay isang litrato sa ABS-CBN studio na may caption na, “First taping day!!! Still a Kapamilya,” na dinagsa ng positive comments dahil sa good news na ito.

Pinakanagulat at na-excite kami sa Instagram story niya ng dressing room na may naka-label na “I Can See Your Voice” at may pangalan niya, kasama sina Jona at ang Queen of Soul na si Jaya. Pasabog!

SM food to go Banner Ad

Siyempre wala pa namang kumpirmasyon kung guest lang ba o magiging SING-vestigator na sina Jona at Jaya. Pero kung sakaling regular na silang mapapanood ay tatlo na silang singers na SING-vestigator kasama si Angeline Quinto.

Ipinasilip din ni KaladKaren ang taping kung saan kasama niya sa tawanan at kulitan ang kapwa SING-vestigators na sina Angeline, Negi, Long Mejia, Andrew E, at ang host ng programa na si Luis Manzano.

Una ngang inanunsyo ng Kapamilya network ang pagbabalik ng “I Can See Your Voice” bilang isa sa mga programa na mapapanood muli sa free TV sa pamamagitan ng A2Z channel. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.