Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jona bawal sa TV5

0 327

In fairness sa ABS-CBN, basta maayos ang pagpapaalam, pinapayagan naman nila ang mga artista, singer nila na mag-appear sa ibang TV network.

Like sa case ni Jona, pinayagan nila na siya ang kumanta ng theme song ng “Paano Ang Pasko?” Christmas-serye ng TV5.

Actually, Dondon (my dear editor), hooked ako sa panonood ng Christmas-serye na ‘yon na line-produced ng The IdeaFirst Company ng mag-asawang Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana (nagkaroon sila ng same-sex marriage some years back sa New York City) for Cignal Entertainment (sister company ng Kapatid network).

Gustung-gusto ko nga ang theme song nila na “Pasko Na, Sinta Ko” na kinanta ni Jona. Bagay na bagay ‘yon sa mga eksena ng kanilang Christmas-serye.

Ang galing-galing ng pagkakanta ni Jona. Ang ganda ng version niya (si Gary Valenciano ang original na kumanta, na very iconic naman ang version).

Ang bongga nga pala ni Jona dahil noong nasa GMA 7 pa siya (bilang Jonalyn Viray), napakarami rin niyang teleserye theme songs na kinanta at sa Kapamilya network nga, bongga rin ang teleserye theme songs niya, at may ilang Star Cinema movies din siya na kinanta, huh!

Sayang nga lang at hindi puwedeng mag-guest sa “Sunday Noontime Live (SNL) si Jona to sing the theme song of “Paano Ang Pasko?” dahil parte pa rin siya ng “ASAP Natin ‘To” ng Kapamilya network.

Sabi nga pala ni Direk Perci, talagang si Jona raw ang gusto nilang kumanta ng theme song ng kanilang Christmas-serye.

“Kinontak namin ang Star Magic (co-manager sa career ng singer) and Star Music, they agreed naman, walang naging problema. Kaya nga super thankful kami,” sey ni Direk Perci.

“Yun lang, eh, hindi makakapag-promote si Jona sa SNL dahil nasa ASAP nga siya. Pero pumayag naman ang Star Magic at Star Music sa shoot para sa music video,” say pa rini ni Direk Perci.

Annabelle ayaw magpabola kay Ruffa

SM food to go Banner Ad

Weekend ulit, at siyempre, kahit may COVID-19 pandemic, tuloy-tuloy pa rin ang ikot ng mundo natin lalo na nga at sinasabing malapit na talagang ilabas ang vaccine sa nasabing virus!

Anyway, pampa-good vibes naman tayo.

The other weekend ay dumalaw ako sa White Plains house ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Hindi ko agad nakita si Tito Eddie, kaya ang sabi ni Bisaya, nagpapamasahe raw ang kanyang mister.

It turned out na ang massage chair pala ang gamit ni Tito Eddie sa massage na ‘yon. Iniregalo sa kanilang mag-asawa ang nasabing massage chair at gamit na gamit nila ‘yon dahil naaaliw si Bisaya at may voice command ‘yon at hindi na kailangang magpipipindot pa.

“I-try mo pagkatapos ni Eduardo. Ang dali lang naman, sasabihin mo lang na ‘I want massage’ at ok na.

“Nang dumating nga sina Sarah (Lahbati) dito, nag-try si Zion. Ok naman, pero ayaw tumigil, kaya panay ang sabi ko ng, ‘Ogama, stop’. Pero ayaw mag-stop. Akala ko nasira na.

“So, si Sarah ang nagpatigil. Siya ang nagsabi na mag-stop.

“Mali pala ako kaya ayaw mag-stop. Hindi naman pala Ogama, Ogawa. Hahaha!” natatawang kuwento ni Bisaya.

Naku, si Tita Annabelle talaga, character! Hahaha!

Anyway, hanggang ngayon nga pala ay ayaw pa ring maniwala ni Bisaya na single na nga ang panganay niyang si Ruffa Gutierrez.

Feel na feel ni Bisaya na binobola lang siya ni Ruffa na hiwalay na ito at si Jordan Mouyal kahit pa nga maraming naniniwala sa sinabi ng “Stay-In Love” star dahil wala na nga silang pino-post ni Jordan na pictures sa kanilang social media accounts.

Well… well… well…

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.