Una sa Balita

Jomari nahuling nambababae

0 865

Kinumpirma ng non-showbiz partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes na hiwalay na sila ng aktor-turned-politician dahil nahuli niya itong nambababae.

Nag-umpisa sa blind item ang tungkol sa pagwawakas ng relasyon ni Joy kay Jomari kung kanino meron siyang dalawang anak na sina Jom Christiano Ayrton (1 year old), and Jom Christiano Fangio, na pinanganak lang noong nakaraang August.

Sa post ni Joy sa social media, marami raw naging ibang babae si Jomari at lahat daw sila ay mas may edad sa kanya at mayayaman.

“I used to enjoy reading write ups about me and my sons and our happy family before the chronic womanizing destroyed my life and my baby boys’ lives.

“Now, unpleasant blind item na lang. Correction: The amount indicated in the article is not accurate.

“And the women are older than me but common denominator, all of them, including the current one, have money,” caption niya sa IG post.

Dahil sa ginawang pagtataksil ni Jomari sa kanya, malaki raw ang naging epekto nito sa kanya at sa kanilang mga anak.

“It’s bad enough to cheat on a partner, worse to leave the family knowing the babies are still so young being just over a year old and a newborn one.

“But sana mag stop na sa pag iisip at paggawa ng nonstop ways pa to make things difficult and miserable for me like pang iipit financially.

“I gave up my career bec you asked me to with the promise that you will take care of me, of us. Hindi ako ang may atraso sa inyo para kayo pa ang galit na galit sa kin.

“You could have at least considered giving even a tiny speck of respect to the woman who believed all your promises, gave you 2 adorable babies and looked up to you thinking you are capable of being a good husband and a father who our kids will be proud of.

“Nagawan mo na ng masama, wag na salbahihin pa lalo,” post pa ni Joy sa IG. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More