Una sa Balita

Joma wala nang ideology – Duterte

By
0 294

NAWALA na umano ang idelohiya ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na iba na ang binabantayan ni Sison dahil sakit na ng tao ang bukambibig nito sa halip na ang ipinag­lalaban ng kanilang kilusan.

Ayon sa Pangulo, sawa na siyang makinig kay Sison dahil sinisira nito ang sarili at nawala na ang kanyang idolohiya para sa mga komunista.

“I’m tired of listenin­g to Maria Sison. Look at how degenerate he is. Wala na siyang ideolo­gy. Sige niya bantay doon sa mga sakit ng tao. What is he doing? That is the way you are fighting the revo­lution, magbantay ka lang kung sinong mamatay, kung sinong may sakit,” anang Pa­ngulo.

Matatandaang noong nakalipas na linggo ay ikinalat ni Sison sa social media na comatose umano si Pangulong Duterte subalit kinabukasan ay nakita ang Pangulo sa isang aktibidad sa Cebu City at buhay na buhay.

Sa halip ay si Sison ang binuweltahan ni Duterte at sinabing labas-masok sa ospital dahil sa sakit na colon cancer at nagiging pabigat na rin umano sa Dutch government.