Una sa Balita

Joma Sison nag-iilusyon na! — Palasyo

By
0 647

Lutang na umano ang pag-iisip ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kaya kung ano-ano na lang ang nababanggit laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pahayag ni Sison na si Pangulong Duterte ang “modern maniac at best recruiter ng CPP at New People’s Army dahil sa pagmobilisa ng mga tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang mahabang ­exile ni Sison ang nagpalabo sa kanyang kaisipan kaya nawalan ito ng kuneksiyon sa reyalidad at naglagay sa kanya sa patuloy na halusinasyon.

Nabigo aniya si Sison sa kanyang adhikain at nagdulot lamang ng pagkamatay ng maraming pilipino at pagkasira ng maraming ari-arian ang 50 taong rebelyon nito sa gobyerno.

“Jose Maria Sison’s long exile has dulled his senses, put him out of touch of reality and in constant state of hallucination,” ani Panelo.

Pinaghambing ni Panelo sina Sison­ at Pangulong Rodrigo Duterte na ­aniya ay obvious na malayo ang pagkakaiba ng mga ito.

Sinabi ni Panelo na kung nabigo si Sison, kabaligtaran ito kay Pangulong Duterte na landslide ang pagkapanalo sa eleksiyon at nagpatupad ng mga pagbabago sa gobyerno laban sa korapsiyon, krimen, terorista at iligal na droga.

Ipinamukha rin ni Panelo na nagpapasarap lamang si Sison sa ibang bansa habang ang mga kasamahan ay nagtatago sa bundok at nakikibaka laban sa tropa ng gobyerno na kalimitan ay nauuwi sa kamatayan ng mga ito.

“The winds of change will sweep this incorrigible rebel, who is living­ in comfort and luxury while his comrades are in the hills, as well as those who follow him, to oblivion and will be buried in the dustbin of history,” dagdag pa ni Panelo. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy