Una sa Balita

Joma kay Digong: Pakitaan tayo ng health record!

By
0 520

HINAMON ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison si Pangulong Rod­rigo Duterte na maglabasan sila ng health record sa publiko para malaman ang tunay na estado ng kanilang kalusugan.

Iginiit ng 79-anyos na si Sison na sumailalim si Pangulong Duterte, 73-anyos, sa medical examination sa Philippine General Hospital at kasunod nito ay ilalabas din niya ang kanyang medical record para malaman anya kung physical at mentally fit ang Punong Ehekutibo sa kanyang puwesto.

Nakahanda umano si Sison na ipakita ang kanyang medical certification sa sandaling ipakita ng Pangulo ang health record nito para sa interes ng publiko.