Una sa Balita

Joma hindi mo makokontrol ang ‘Pinas – Duterte

By
0 536

MANANATILING panga­rap ang kagustuhan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria ‘Joma’ Sison na makuha at makontrol ang Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City, Martes ng gabi na hindi makukuha ni Sison ang Pilipinas at patunay dito ang 50-taong kabiguan ng kanilang grupo.

Mistulang kinantiyawan pa ng Pangulo si Sison dahil kahit isang barangay ay hindi nito nakuha kaya tigilan na ang pangarap na maibagsak ang gobyerno at makontrol ang buong bansa.

“Hindi mo makuha ang Pilipinas. It will not happen that way. That’s — that is stupid thinking. Hindi mo nga makuha ni isang bara­ngay isang araw. Huwag kayong maniwala diyan sa ano… It’s a failed dream,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na maaari niyang pulbusin ang New People’s Army (NPA) gamit ang mga air asset ng Hukbong Sandatahan pero nagpipigl lamang ito.
Ang nangyayari ngayon ayon sa Pangulo ay naging extortionist na ang mga NPA at wala na ang ipinaglalabang prinsipyo dahil ginutom sila ni Sison.

“Karami kong helicopter, sabi ko, huwag muna. Kung gagamitin mo ‘yan, linisin mo ‘yang buong — buong gubat. You… Plantsahin mo ‘yan ng bala. Kaya ako nagpipigil lang. But they can be an irritation.

“Ito mga extortionist ‘to. Sige hingi, sige hingi. Doon lang rin sa lugar na puwede sila. Anong mangyari ‘pag orderin ko ‘yang military, ‘Shoot to kill.’ Huwag na kayong magkuha ng prisoner. Basta diretso na lahat,” dagdag pa ng Pangulo. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy