Una sa Balita

Jolo nagpasabog ng mga kotse

0 202

Mukhang action­ films are back na nga! Sa telebisyon pa nga lang patuloy na namamayagpag sa rating games ang teleserye ng tinagurian ngayong Primetime King ng lahat, ha, hindi lang ng ABS-CBN, na si Coco Martin.

Matapos ang action film ni Anne Curtis na Buybust at We Will Not Die Tonight ni Erich Gonzales, sumabak na rin nga sa maaksyong pelikula si Cristine Reyes at Jennifer Lee na may titulong Maria.

Pero bago ipalabas ang action movie ni Cristine at Jennifer, mapapanood muna on October 3 ang action-packed trilogy movie na Tres ng nagbabalik produksyon na Imus Productions ng pamilya ni former senator Bong Revilla kung saan very hands-on ang kuya nito na si Marlon Bautista at younger sister na si Andeng Bautista-Ynares.

This time, ang mga anak na lalaki naman ni Bong at Bacoor City Mayor Lani Mercado na sina Bryan, Luigi at Cavite Vice Governor Jolo ang magpapakitang gilas sa Tres na may kanya-kanyang silang episode – Virgo, Amats at 72 Hours, respectively.

Sa episode raw ni Jolo na 72 Hours na idinirek ni Dondon Santos, more than three cars daw na hindi luma o pang-junk shop na ang pinasabog!

Carla, Bryan naunsyami ang relasyon

Kaabang-abang naman ang love scene ni Luigi at Assunta de Rossi na nakapareha rin ng ama nila sa pelikula nito na Kilabot at Kembot noong 2002 na naging kontrobesiyal dahil sa mainit nilang love scene at butt exposure ni Bong. Bukod kay Assunta na tila cougar ang role sa Amats episode na si Dondon din ang nagdirek, leading lady rin ni Luigi si Myrtle Sarrosa.

Tignan naman natin sa episode na Virgo ni Bryan, directed by Richard Somes, kung bakit dahil sa pelikulang ito ay naging malapit sa isa’t isa sa tunay na buhay ang panganay nina Bong at Lani at ang kapareha nitong si Carla Humphries. But I heard, hindi raw nauwi ang dalawa sa isang relasyon o pag-iibigan. Naunsyami raw, kumbaga. Bakit kaya?

Angelica hindi na natutulog

Halos waley na raw tulog sa kaka-segue sa kanyang mga trabaho si Angelica Panganiban araw-araw. Monday, Wednesdays at Fridays daw ang taping days ng aktres para sa bagong niyang teleserye na nakakakilig with Zanjoe Marudo na Playhouse sa daytime slot ng Kapamilya network, Mondays to Fridays, bago mag It’s Showtime!

Tuesdays at Saturdays naman daw ang mga araw ng shooting ni Angelica for her movie Exes Baggage opposite her ex-boyfriend Carlo Aquino na ipapalabas na sa September 26, directed by Dan Villegas, under Star Cinema, na may ilang mga eksena pa raw na kailangang kunan, chika sa akin ng isang kaibigan na malapit sa aktres.

Every Thursday naman daw ang Banana Sundae taping ni Angge sa studio ng ABS-CBN. Habang ang ibang mga commitment nito na trabaho ay sa araw ng Linggo ipinapasok, kaya naman hataw talaga sa paghahanapbuhay ang versatile actress. No wonder waley pa rin siyang lovelife sa ngayon, dahil sa sipag niya!