Una sa Balita

Jolo, Jodi malabong magbalikan dahil kay Rhian?

0 756

abante-talbog-joe-barramedaNakakatuwa naman si former Sen. Bong Revilla, Jr. na apat na taon nang nakapiit sa Custodial Center ng Camp Crame.

Sa gitna ng pinagdadaa­nan niya ay hindi nawawala sa isip niya ang mara­ming mga taga-pelikula na walang trabaho dahil sa kakulangan ng mga producer na gumagawa ng pelikula lalo na ang mga action film.

Kaya naisipan niya na muling buhayin ang mga action film at inactivate muli ang kanilang Imus Films. Kinausap ang mga anak na siyang magbibida sa isang action Film na pinamagatang ‘Trese’. Ito ay isang trilogy na pagbibidahan ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, Bryan Revilla at Luigi Revilla.

Si Vice Governor Jolo Revilla ang unang nakapanayam ng mga kapwa kasamahan namin sa panulat at sinabi nga niya ang rason kung bakit binuhay muli ang Imus Films sa pamamagitan ng pelikulang Trese.

Nagawan niyang bigyan ng panahon ang shooting ng Trese sa gitna ng pagiging abala niya bilang Vice Governor ng Cavite.

Anyway, break na naman sila for the nth time ni Jodi Sta. Maria at gaya ng dati ay may posibilidad na magka­balikan muli unless totoo ang chismis na nali-link siya kay Rhian Ramos. Masaya naman si Jolo sa nakita namin noong preskon.

Ang Trese ay ire-release ng Star Cinema.

Erard malaki ang chance sa Star Awards for Music

Ang baguhang singer na si Erard ay nominado as New Male Recording Artist sa upcoming Star Awards for Music sa Linggo, Sept. 9 sa Resorts World Hotel. Sa pakikipagtsikahan kay Erard ay sinabi nito na…

“Singing has been my lifelong ambition and dream, a passion I would like to share with orhers. During my younger years, I was given the privilege to sing at church choirs, a few times at weddings and it brought me much joy seeing people appreciate the simple things I could do for them. Everything seemed to be in harmony and peace.”

Kaya malalaman natin sa Linggo nang gabi kung siya ang napiling manalo sa category na iyon.

Jillian bawal pang ligawan

Sa Super Ma’am huling napanood si Jillian Ward na ngayon naman ay mapapanood sa My Special Tatay bilang si Odette Villaroman. Mahigit isang taon na ring napapanood si Jillian sa Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo.

“Happy po ako na makakabalik ako sa drama kasi nga po puro fantasy and ‘yung last ko pong drama is Sa Piling Ni Nanay.”

Napag-alaman namin na ipinalabas din sa Malaysia ang Sa Piling Ni Nanay na napanood dito sa Pilipinas noong 2016 na pinagbidahan nina Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili. Kaya kilala na si Jillian sa Malaysia.

Thirteen years old na ngayon ang dating cute na cute na child actress na si Jillian. Kaya nakakapanood na siya ng mga pang 13 plus movies.

Sa kuwento ni Jillian ay mas medyo naging mature na raw siya.

“Kahit papaano and pati po yung mga kaibi­gan ko din po kumbaga, teenagers na rin po. Pero dati po kasi puro mga bata po ang mga kaibigan ko.”

May nabago na ba sa buhay niya?

“Siguro po yung medyo kailangan mo ng maging mas mature and ayun po, parang talagang ang expectations po ng mga nakakatanda ngayon dahil teenager ka na talagang dapat mature na po yung pag-iisip mo. Pero medyo isip-bata pa rin po ako.”

May mga nagpaparamdam na kay Jillian ng interes (via direct messages sa Instagram) pero hindi niya ine-entertain ang mga ito.

“Hindi ko po sila puwedeng hayaang manligaw dahil hindi ko po alam kung ano ang magagawa ni Papa sa akin.”
Hindi pa siya puwedeng ligawan?

“Hindi pa po puwede. Siguro po, ang tip ko po sa kanila, puwedeng magka-crush pero bawal pa pong manligaw.”